Sheila Mae
Poet · Pilipinas · Pilipinas
Ang tulang nagsusulat sa katahimikan
A writing journey
Gustong gusto ko talagang magsulat ng mga tula dahil ito talaga ang hilig ko. Nagbibigay sa akin ito ng inspirasyon at isang napakagandang libangan.
Published writing
Sugal
Noong ako ay maakit sa iyo
Akala ko talaga ay na sa iyo ang kaligayahan ko
Subalit hindi ko napagtanto na ikaw pala sa buhay ko ang magdadala ng gulo
Ikaw ang nagsilbi kong libangan sa araw na ako'y May kalungkutan
Inakala kong ikaw ay magdadala ng kaligayahan
Sa simula ay maliit lang subalit kalaunan ay lumaki na
Hindi ako nakontento sa maliitan
Naglabas ako ng malakihang puhunan
Taya rito taya roon pusta sa kanan pusta sa kaliwa
Hanggang sa tuluyang mawala ang banal kong diwa
Pumapasok ako sa sa sabungan ng mga manok
At doo'y maraming nag aalok
Ng mga tayang dapat palitan mo upang kapag nanalo ay pumalo ng todo
Aking pinakinggan ang mga alok at sa simula'y walang tigil ako sa pagsalok
Ng mga panalong panandalian lang pa
Hanggang sa ako'y inanod sa pagkahumaling
At sa pagtaya ay walang pagkiling
Hiyawan rito hiyawan roon subalit sa pagkakataon ubos na pala iyon
Ang pera kong ang hirap ang pinagkunan sa sugal ko inilaan
Ngayon ay andito ako sa kalungkutan
Umiiyak pinaiyak ng sugal na walang pagmamahal