Sheila Mae

Poet · Pilipinas · Pilipinas

Isang makata na sumusulat mula sa kanyang isipan at puso

A writing journey

Ang paglalakbay ko ay hindi naging madali sapagkat marami akong kahirapang pinagdaanan para lamang maabot ang aking mga pangarap

Published writing

Palamuti sa katawan

Ang katawan mo ay punong puno ng mga palamuti sapagkat kinahiligan mo ito Nais mong mapuri ng mga tao baka sabihan kang walang pambili ng mga ito Balot ng kinang ang iyong katawan ng mga tunay na mga perlas at mga ginto Maging ang mga diamante ay iyong natamo Dahil sa iyong mga pagsisikap Hinangad mo ang buhay na marangya upang mabili ang mga palamuti sa iyong katawan nang sa ganoon ikaw ay purihin man lang na walang kahirapan sa iyong dumating Nais mo'y makita ng marami ang mga mata nila'y tumitig sa iyong mga alahas sa katawan at ikaw ay agad na ginaganahan kapag ikaw ay pinagsasabihang mayamang tunay Isang mayamang tunay na hindi naghirap sa buhay lahat nabibili ng iyong mga salapi mga palamuti sa ibat ibang klase at ngayon ikaw na talaga ay nakakabighani Presyo nito'y mamahalin mga palamuti ng katawan ituring pero para lang pala sa katawan mo lahat kasi kahit mahirap ay hindi mo mabigyan man lang Nung ikaw ay nagkasakit saka mo lamang nalaman na ikaw ay wala pala talagang ipagmayabang ngayon ay kailangan mo ng ibenta ang palamuti mong pambayad sa iyong medisina upang ikaw ay mabuhay pa Walang tigil kang umiiyak sa ospital dahil sa iyo ngayon ay walang dumadalaw sapagkat palamuti mo ay hindi muna maisuot sapagkat pera na ang hawak mo at kailangan mo ng ipambayad ito para sa iyong medisinang binuhay sa katawan mo At ngayon ay wala na talaga ang mga palamuti mong noon ay dala dala sapagkat kailangan mong magsakripisyo muna pati pa bahay mo ibinebenta muna Palamuti sa katawan Minahal ka ng sobra minsan Sa buhay niya ikaw ang kanyang kailangan dahil inakalang ikaw talaga ang kaligayahan pero pambayad lang pala ang huli mong hantungan

Selpon

Ikaw ay isang materyal na bagay Na binili ng aking pera para maangkin ko Pero sa buhay ay hindi rin pala saya ang iyong dala dahil ikaw rin pala ang magdadala ng kalungkutan Ikaw ang selpon ni modernisasyon Na aking katuwang sa aking pag aaral Ikaw rin ang tulay ng komunikasyon Ng ating mga pag uusap na kailangang magdugtong Ako ay bumili siya ay bumili at tayong lahat ay bumili na talaga ng selpon ng agham at teknolohiya dahil libangan din daw ito kung ituring Pero sa paggamit nito kailangang mag ingat ng husto sapagkat kung minsan dala nito ay gulo Mag ingat ka raw sa makikipag usap sa iyo dahil sa loob ng selpon pumapasok ang mga ahas ng buhay Kailangan mong mag ingat ng husto Dahil baka isang araw ikaw din daw ang tuklawin nito Selling nabili selpon ng kaligayahan At sa paggawa ng mga tula siya ang iyong katuwang siya ang iyong gabay sa pagsasaliksik ng mga kaalamang nais mo pang madaragdagan Selpon din siya na May kamandag Pero pwede rin siyang selpon sa pakikinig ng mga awitin ng Diyos At siya rin ang selpon ng iyong buhay Pero hindi mo madadala kapag ikaw ay namatay

Bolpen at papel

Sila'y mga panulat kung tawagin Katuwang sa iyong pag aaral ginagamit mo ng husto upang ikaw ay matuto Para sa pagsusulit ikaw ay pasado Bolpen at papel ng iyong buhay Katuwang sa pagsusulat sa paaralan Sa mga paglagda siya ay gamit na gamit maging sa pagkwenta siya rin iyong ginagamit Pero mag ingat ka rin sa bolpen sapagkat siya ang bolpen na pwedeng gamitin sa karahasan sa mga krimen siya ay patok rin Maging ang papel na iyong sinusulatan Sila ang bolpen at papel ng iyong buhay Bolpen ni Rizal May tinta sa dulo matulis at May bilis ito Lalo pa't nakakaaliw ito Pero wag gamitin sa krimen ito Sabi ng tinta niya tunay na ito ang lagda niya'y wala talagang katulad ito pero sino ba talaga ang lumagda dito Sapagkat ang bolpen din ang dahilan ng hidwaan sa mga lagda Siya rin ang papel na nagbibigay karangalan sa buhay mo'y ginhawa ay makakamtan upang sa gayon ikaw ay marunong na sa buhay sa nagdaang matindi na May dala dalang ngiti Bolpen at papel na May pakinabang pero sa apoy ng Diyos sila ay pwedeng sumalang at ikaw ngayon ang itinuring na kagalang galang ng bolpen niya't papel na May dala dalang mga patunay

Read and follow Sheila Mae on Writory