Rossalyn Francess Raymundo, Philippines's National Honour
October 2026
Ipagtitimpla Kita Ng Kape
Isang simpleng kuwentuhan sa harap ng kapeng mainit,
Sa tapat ng bote ng asukal, lalamunan ay may pait,
Nag-eensayo ng salitang sa dibdib ay masakit.
“Mahal kita,” o “Wala nang lakas na natitira,”
Di niya batid, ang puso’y matagal nang sa kanya.
Ibinigay na ang lahat—katawan, dusa’t tungkulin,
Tanging puso na lang ang natira upang angkinin.
Mapagod man ang isip sa pagtatanggol sa sarili,
Na makapiling ang dalaga, ang tanging pinipili.
Kaya’t ngayong hapon, magtitimpla ng dahilan,
Bakit pa magkakaila sa nararamdaman?
Yakap at halik ang tunay na hinahanap,
Sa simpleng kwentuhan, at pag-ibig na pinapangarap.
Score: 63.32 out of 100.
Read the October 2026 National Honours