Lapis, Baril at Korona
by Sheila Mae
Lapis ang hawak ko noon
Sa paaralan ako ay nag aral
Upang magkaroon ng dangal
Aking naabot ang mataas na karangalan
Sa paaralan ako ay nanguna
Buhay ko ay guminhawa
Hanapbuhay agad nakuha
Ngayon ako ay masaya
Subalit kinabukasan
Biglang nagbago ang istorya
Ng aking buhay
Ako ngayon ay nasa isang tulay
Dala dala ay baril ng aking buhay
Ako ay umaasang
May magbabago pa
Sa buhay kong
Nawalan na ng pag asa
Ngayon ay kailangan ko ng korona
Na mag aalis sa akin sa buhay
Na maraming bala
Ako ngayon ay narito na
Kailangan na kita
Kailangan ko ang presensya mo
Ay tunay na pag ibig ko
Korona mo ay nais kong hawakan
Ang korona ng pag iibigang
Walang hanggan
More by Sheila Mae
Sheila Mae's full record: their portfolio on Writory.
Published on the Writory Wall, which is free to post to and free to read · enter the November contest