Anak ng mayaman
by Sheila Mae
Ikaw ang anak na maluho
Gusto mong lahat ng bagay ay iyong nabibili
Ang pera ay nais mong meron palagi
Pagkat kailangan mong mabigyan palagi ng papuri
Madali kang aliwin ng mapanlinlang nilang kapurihan
Nais mo'y palaging May karangyaan
Sa yaman ng iyong mga magulang ikaw ay nagpakalunod
At walang pakundangan kang gumagawa ng ibat ibang gastusan
Kotse dito kotse roon
Mga pagdiriwang ay naroroon
Sa mga kaibigan ay palaging nagpapakita ng pera
At natutuwa ka pa kapag pinupuri ka nila
Madali ka lang paniwalain ng mapanlinlang nilang kapurihan
Kay daling libangin ng iyong isipan
Sabihan ka lang na ikaw ay isang anak ng mayaman
Agad na agad kang sa kanila ay maliligayahan
Mapanlinlang nilang kapurihan wag na wag mong alagaan ito
Sapagkat ang yaman ay nauubos din iho
Lalo pa't kung ang yaman mo yamang May dala dalang kalawang at hindi ang yamang hindi kumukupas
Wag ka ring panlilinlang sa mga palakpakan nila dahil naghihiyawan sila dahil mayaman ka pa
Ikaw pa ngayon ang anak ng mayaman na nakikita nila
Ang salaping nasa sa iyo ngayon ay wala talagang halaga sapagkat siya lamang ay papel na pera na nauubos din sinta
Huwag mong ipangalandakan na anak ng mayaman
Sapagkat kung nasaan ang iyong yaman ay naroon ang mga bala
Na lagi ka na lamang iilag upang sa katawan mo ay hindi tumama
Ngayon ay nawa8 din ang iyong yabang
Dahil hindi ka na isang anak ng mayaman
Ikaw na ngayon ang nagdurusang anak ng mayaman na ngayon ay matinding hirap ang dinaranas
Namatay na ang iyong maraming salapi
Dahil inubos mo ito upang magpasikat sa mga kaibigan
Ngayon ay wala na sila sa iyong tabi
Dahil wala ka na raw salapi
Ngayon mo lamang naisip na mahalaga ang payo
Ngayon ay isa ka ng napakahirap na anak ng mayaman
Published on the Writory Wall.