Inang hindi na bumalik
by Sheila Mae
Masaya ako sa iyong pagsilang sa akin Di masukat ang ligayang aking dinadala Sapagkat ako'y binigyan mo ng karapatang makita ang mundo Ang puso ko ay sa tuwa lumulusot Lalo pa't liwanag ay nasilayan ko Subalit hindi rin pala sa lahat ng pagkakataon ay liwanag palagi ang iyong makikita Sa pagkat sa buhay na ito'y mga kaganapan ng buhay ay nag iiba Animo'y parang orasan ang kapalaran ng tao May mga numerong nagbabago Mula sa pagsapit ng umaga at sa pagsapit ng dapit hapon Subalit kalaunan ay lumalalim ang gabi At heto ako sa isang sulok ng kwartong nagmumuni Di mapigil ang pagtulo ng mga luha sapagkat wala ka na sa aking tabi Apat na taon lang pala ay kaya mong ilagi sa aking tabi Ang sumunod na mga taon ay wala Kana Habang ako'y lumalapit sa iyo upang sumama Ay mariin mong sinabing ako'y sagabal sa iyong lakad Alam kong ikaw ay pagod ng ibigin ako Kaya't hindi mo na nakikita ang aking mga luha at bingi na rin ang iyong tenga sa pakikinig sa aking pakiusap Kaya't umalis ka bigla at hindi na kayang pigilan pa Wala akong magawa kung hindi ang umiyak Kahit man lang sa araw ng iyong pag alis ako man lamang ang iyong niyakap Subalit ikaw naging mailap animo'y hindi mo na ako nakikita pa Lumayo ka ng lubusan habang iniwan mo ang masakit na paalam Dalay bigat sa damdamin at hinagpis ang hantungan Di ko alam kung May pag asa pa bang ikaw ay babalik Kung saan saan na rin ako napadpad dahil sa aking paghahanap sa iyo Umabot pa nga sa puntong tumawag ako sa istasyon ng radyo upang manawagan sa pagkawala mo Subalit bigo ako Hanggang sa isang araw ay nabasa ko na lamang sa selpon Mula sa isang pinsan na nagsabing May nagpakilala raw na anak mo Agad akong sumagot at tinanong ang bata Kung tunay nga bang ikAw ay kanyang ina Hinanapan ko siya ng pruweba Patunay na iisa ang aming ina At doon ko napagtantong kapatid ko siya sa iyo Nasagot na rin ang aking dalangin At ako'y payapa ng nag iisip Hindi na rin kita makakasama Sapagkat ikaw ay nasa libingan na Ikaw ay namatay ng hindi ako kapiling Wala ako sa iyong kamay At wala ako sa mga kaarawan mo noong nabubuhay ka pa Kaya't ikaw na lamang ngayon ay isang alaala Isang inang lumayo at hindi na bumalik
Meet Sheila Mae on Unheard Voices, their story in their own words.
Published on the Writory Wall, where poets share work the world can read. Enter the October contest and have your own poem read and scored.