Asawang hindi minahal
by Sheila Mae
Ako ay parang namamalimos ng pag ibig May sugat na dito sa aking dibdib Sino ang nagdulo? Sino ang nagbigay? Ng mga sugat kong naghahanap ng lunas Madalas labi ko'y madudulas Sinasabi sa aking kaibigan ang aking nararamdaman Nais ko sanang ako ay kanyang damayan Nais kong pakinggan ako Nag uumpisa ng tumulo ang mga luha sa aking mga mata Lalo pa't ngayon ay patuloy mong ginagawa Ang pananakit mo sa aking damdamin Habang ikaw ay nananaginip ay ibang pangalan ang iyong sinasambit Nais ko sanang sa iyo ay lumapit Pero pinigil ako ng aking narinig Pangalan ng iyong dati ay naroon pa rin sa puso mo Kahit tulog ka ay binabanggit mo ito Utak ko ngayon ay gumugulo Dahil ikaw sana'y nais kong mag alay man lang Ng pag ibig sa akin Subalit hindi ko pala kayang marinig Na sa panaginip mo'y ibang pangalan ang iyong tinatawag Para ako ngayong nalalaglag Sa isang upuan at nahulog na ng lubusan Animo'y tinusok ang aking puso Ng isang matalim na kutsilyo Isa lang pala akong asawang hindi mo talaga minahal Asawa sa papel kong ako ay tawagin Pero puso mo ay hindi naman ako ang umaangkin Sino ang tunay na May hawak nito? Ang sagot ay hindi talaga ako Ako ang asawang hindi minahal At tuluyan ng nawalan ng dangal
Meet Sheila Mae on Unheard Voices, their story in their own words.
Published on the Writory Wall, where poets share work the world can read. Enter the September contest and have your own poem read and scored.