Anak ng mahirap
by Sheila Mae
Ikaw ay isang dukha kung ituring Maliit sa ibang mga paningin Subalit sa buhay ikaw ay lumalabag mariin Di alintana ang hirap at pagod basta't ikaw ay lumalaban Marami kang hinarap na pagsubok Mga pang aalipusta ay iyong tiniis Makamit mo lamang áng tagumpay na May tamis Di alintana ang mga hinagpis sapagkat alam mong ang tunay na ligaya ay nasa mga nagtitiis Nang ikaw ay nagtapos na ng pag aaral Marami na ang lumapit sa iyo Nag aalay ng mapagkunwari nilang papuri habang noon ay puro panglalait ang ibinabato sa iyo Bumuhos ang maraming biyaya at ikaw ay natuwa ng lubusan Ikaw ay nasiyahan sa ligayang iyong nakamtan Hindi pala sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ay tatawaging anak ng mahirap Sapagkat ikaw ngayon ang batang mahirap na biniyayaan ng yaman ng Diyos Minahal mo't pinasalamatan ang biyaya ng Diyos Sapagkat alam mong ikaw ay masipag na lubos Kaya't walang pakundangan na sa iyo ay ibinuhos Ang biyaya niyang sa papuri ay malugod lugod Ikaw ang anak ng mahirap Na mayaman sa pag ibig Mayaman sa talinong bigay ng Diyos At mayaman sa pananalig Sa pagkatao mo ay walang makadadaig
Meet Sheila Mae on Unheard Voices, their story in their own words.
Published on the Writory Wall, where poets share work the world can read. Enter the October contest and have your own poem read and scored.