Magdalena
by Sheila Mae
Ikaw ang babaeng tulog sa umaga At gising sa gabi Biktima ng kalupitan sa buhay Ikaw ang babaeng tinawag nilang mababa ang lipad Ikaw ang babaeng pinagdamutan Ng mga taong mapanghusga Prinisyuhan ng mura ang iyong dangal Sa talas ng kanilang mga dila Inaalipusta ginawang utusan ng pagkakasala ng mga matang punong puno ng galit sa iyo Hanggang mula sa mababang lipad ikaw ay iniangat ng Diyos Itinuring na marumi ang iyong pagkatao Subalit hindi mo inuurungan Ito sapagkat sadyang hindi ka lang nila maunawaan Ginamit ng mga naghahanap ng mapakikinabangan para makahingi ng pera sa iyo Subalit ikaw ay namulat sa katotohanan Na sa buhay kailangan mong lumaban Ang tirisin ang mga matang mga mapanghusga at durugin ang talas ng kanilang mga dila Gayunpaman ay maka Diyos ka pa rin Biktima ng kahirapan sa buhay At biktima ng mga maling mga tao Mga taong mapagkunwari
Meet Sheila Mae on Unheard Voices, their story in their own words.
Published on the Writory Wall, where poets share work the world can read. Enter the October contest and have your own poem read and scored.