Ang apoy
by Sheila Mae
Oh ang init niya Ako yung tumama siya sa aking mga balat Kukunin niya ang lahat Hanggang sa tuluyang maging abo Ikaw ang apoy na nasa aking buhay Ang init mo ay aking dala dala Sa puso ko ay nagbabaga Hindi mawari na ikaw din pala ay May halaga Hindi ka isang ordinaryong apoy Na kapag napaso ang pisikal kong balat ay kailangang gamutin agad upang maghilom ang pasong May dalang peklat Ang tinutukoy kong apoy Ay ang apoy ng pag ibig Na sa puso ko'y kailangang manatili ang init Dahil kung hindi pagmamahalan ay hindi na didikit sa ating mga damdamin na nag aalay Parang apoy tayong dalawa Mainit at kulay dalandan pa Buhay na buhay at nakakapaso sinta Pero mag ingat ka sa ibang apoy na kanyang dala May dala siyang apoy sa ating relasyon Dala niya'y nakakapaso at kailangan mong lumayo Upang ang apoy ng iyong pag ibig sa akin ay hindi mamamatay Siya ang nakakamatay na apoy ng ating buhay Maitim ang usok at nakakapaso ng tunay Dala niya'y apoy sa ating relasyon Na kailangang mamatay Upang ang apoy ng ating pag iibigan Ang tunay na mabuhay At hindi ang kanyang apoy na nakamamatay
Meet Sheila Mae on Unheard Voices, their story in their own words.
Published on the Writory Wall, where poets share work the world can read. Enter the September contest and have your own poem read and scored.